Sanaysay
Ang sanaysay ayon kay Alejandro G. Abadillia ay "Nakasulat sa karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay "Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita ang sanay at pagsasalaysay. Ito ay pampanitikang tuluyan na naglalahad ng kuro-kuro damdamin, saloobin, kaisipan, reaksyon at iba pa.
Ang Talambuhay uring na sanaysay dahil ito ay isang pampanitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng isang buhay ng tao.Isang malaking tulong ang sanaysay sa larangan ng pampanitikan sapagkat natulungan nito ang isang indibidwal na ilabas ang kanyang saloobin ukol sa isang paksa .
Isang malaking tulong ang sanaysay upang magpahayag ang mga tao ng kanilang kuro-kuro, damdamin at reaksyon ukol sa paksa.
May pagkakaiba ang Pormal at Impormal na sanaysay. Ang Pormal na sanaysay ay tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pag-kaunawa sa paksa inaakay din ng manunulat ang mambabasa sa ilalim ng pag-iisip upang makabuo ng sariling pagpapasya at kumilos pagkatapos.
Binibigyang diin ng manunulat ang mga bagay-bagay, mga karanasan o isyung maaaring magpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mambabasa. Madalas na sulatin ang malikhaing sanaysay sapagkat naglalahad ito ng damdamin o mga opinion sa isang paksa .
Tulad ng tubig ang malikhaing sanaysay na naisasalin at binibigyang huigis hg kaniyang kinalalagyan , maluwag at umaangkop. Maituturing ding malikhing sanaysay ang Blog sapagkat maaari nating ilagay oang mga nangyari sa iyong buhay, kuro-kuro o damdamin sa isang paksa.
Source: http://henzcabrejas.blogspot.com/2013/02/sanaysay.html
Source: https://tl.wikipedia.org/wiki/Talambuhay

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento