Huwebes, Marso 30, 2017

President DU30






Mahal Naming Pangulong Rodrigo R. Duterte,


       Magandang Araw po. Kaliwa't kanan na matinding usapan sa " war on drugs" particularly sa extra judicial kilings dito sa ating bansa.

     Simula nang maupo kayo bilang Presidente, Sa ipinatupad nyong Oplan Tokhang ay marami ang nahuli at sumuko sa mga pulisya dahil sa dala na rin ng takot. Marami na ring tumitigil sa pagbebenta at pagamit ng ilegal na gamot. Upang hindi sila magkulong o barilin, ngunit  kahit sumuko na ay binaral pa rin.

      Sabi ng ilan nanlaban daw umano; Ang iba naman ay napapatay dahil sa dalawang tao magkaangkas sa motor. Kahit hindi pa napapatunayan ng isang drug adik ay makikita ka na lang sa kalsada na walng buhay at isang karton na may nakasulat na " Drug Adick Ako Wag Tularan " Oo kakaunti na nga ang nagbebenta at gumagamit ng bawal na gamot, pero mas dumarami ang mga mamamatay tao. At ang pamilya ng mga biktima ay humihingi ng hustisya na sanay kanilang makamit.

     Sa tingin ko po ay sadyang inubos ng mga pulis ang mga drug addicts at pusher para hindi magsiksikan sa kulungan at doon na lang sa sementeryo mag siksikan. Sana naman po ay wag patayin ang mga ito dahil unang una ay labag ito sa karapatang pantao; may pagkakataon pa silang magbago. Kaya nga ginawa ang rehabilitation para mabantayan ang kanilang kilos at doon magbago.
Kaya sana naman po ay magawan ito ng agarang aksyon upang mahinto na ang patayan dito sa ating bansa.

     Sumusuporta naman po ako sa inyo sa pagsugpo ng droga, kaya sana naman po ay sugpuin ang droga sa pamamagitan nang maayos  at walang dahas.


Lubos na Gumagalang,
       Marlyn Merano

Mag HUMSS Ka Na!!






Mag- HUMSS Ka Na!!


                     Sa mga grade 10 students, marahil ay nagiisip na kayo kung ano bang strand na kukunin nyo pagdating ng grade 11, STEM, ABM, TECH VOC ; HUMSS ba? Maraming pagpipilian pero isa lang ang The Best, ito ang HUMSS.

                         Maraming pagpipilian ang mga kursong nakapaloob sa strand na ito; mayroong Education para sa mga nais maging isang guro. Psychology para sa mga nais pag aralanang behavior ng isang tao. Mass Com para sa mga nais maging isang reporter tulag nu Jesica Soho at iba pang sikat na news caster.

                             Ang strand na HUMSS ay masaya; may mga activities na natututo ka na, nag-eenjoy ka pa at feeling mo naglalaro ka lang. Hindi tulad sa STEM at ABM na double sa math.

                       Isa pa sa mga sakop na course sa strand na itoay ang Criminology para sa mga nais maging pulis o sundalo na magproprotekta sa ating Bayan.
 PolScie para sa matatapang na nais maging Abogado.

                 Mamumulat ang iyong isip sa mga nangyayari sa ating lipunan. Dito mo mahahasa ang iyong tibay na loob . Kahit mahina ka ay pipilitin mo maging malakas at matatag.

                     Dito mo malalaman ang mga bagay bagay na matagal mo ng gustong malaman ang sagot sa iyong mga tanong sa strand na ito, hindi mo na mararanasan na nag-iisa ka dahil dito tulong-tulong at sama-sama.

                     Maraming mga asignaturana na mahirap pero tiyak akong makakayanan mo. At lahat ng mga pinag-aralan mo tulad ng Personal Development at iba pa ay maiuugnay mo sa iyong sariliat araw araw na gawain.

                 Kahit na medyo mahal ang tuition fee ay sulit na sulit naman dahil talagang marami kang matututunan. Ipinapaliwanag ng mga guro nang buong husay ang mga lesson

Ang mga asignatura ay mae-encounter mi sa kolehiyo. Kaya makakasiguro ka na mas madadalian ka sa mga ito.

            Kahit na maraming aktibidad ay masaya dahil dito malalaman mo ang tunay na kulay ng mundo, kaya dito ka na sa HUMSS siguradong mag- enjoy ka.

Sa Simbahan





Sa Simbahan



                             Saktong 12:30 ng tanghali, nag-uuli ako sa bayan; naghahanap ng maiinterview.
     Maraming tao ang dumaraan: may bata at matanda. Marami akong tinanong na kung pwede ko ba sila  interview-hin.Ang sagot nila sakin - ayaw,nahihiya.Baka daw wala silang masagot o di kaya naman ay hindi umiimik at hindi ako pinapansin.

                            Target kong mainterview ang mga batang kalye .Kaya para pumayag sila ay bumili ako ng pagkain sa tapat ng simbahan.Isang tasang kanin, may tapa at isang itlog .Bitbit ko ang pagkain habang naghahanap ng maiinterview. Marami ang lumapit sa akin dahil gusto nilang hingiin ang pagkain ko.Pero nung tinanong ko sila kung pwedweng mainterview ay hindi sila pumayag. Nagpasya akong bumalik sa simbahan para naman tulungan ako no Lord.
     
                             Pagpunta ko sa harapan ng simbahan ay napansin ko na ang daming tao at puro nakaitim na damit. Paglapit ko, napansin ko na namimigay sila ng papel. Kumuha ako ng isang kopya. Ang mga taong naka suot ng itim ay nag tipon tipon doon upang mag-protesta laban sa Marcos.
 
                           Papalapit palang ako sa pinto agad sumalubong ang mga bata na nanlilimos habang tinuturo ang dala kong pagkain. Meron din nagbebenta ng kandila at sampaguita. Ipinagkibit balikat ko silang lahat at pumasok sa loob ng simbahan.

                   Sa loob ng simbahan maraming nangungulbit sa akin. Pero 'di ko ito pinapansin at tuloy-tuloy akong nanalangin na sana may pumayag na magpa interview sa akin. Pagkatapos kong magdasal ay nakaupo lamang ako, pinagmamasdan ang mga tao sa loob ng simbahan at iniisip ko kung ano kaya ang ipinag dadasal nila.

                         Ilang minuto ay matamlay akong naglalakad papalabas ng simbahan. Nagpunta ako sa gilid ng simbahan, umupo sa mahabang upuang bato na nasa ilalim ng isang malaking puno ng mangga,malapit sa parking lot.

                       Isang bata ang nakita ko, batang lalaki na may hawak na mga lobo.Pero katulad ng mga naunang tinanong ko ay hindi siya pumayag.

                          Paalis na sana ako nang isang babae ang lumapit sa akin."  Ate bili ka ng sampaguita at kandila " Hindi po ang tugon ko sa kanya. Napag isip-isip ko na sya ang maari kong mainterview kaya agad ko siyang hinabol nahihiya man ako sinubukan ko parin. "Pwe..pwede po bang ma-interview kayo saglit lang po para lang po sa school ." Sige" ang tugon niya sa akin.Ang malungkot kong mukha ay napalitan ng saya ng marinig ko ang sagot niya. Niyaya ko siya na umupo sa upuan. Tinawag niya ang kaniyang anak at umupo sa tabi ko. Pero bago ako magtanong ay may sisinabi siya sa akin kung sana wag pakalatin ang kanyang pangalan."Oo",ang sabi ko at ang gagamitin ko ay ang kanyang palayaw.

                         Sinimulan ko ang pagtatanong ."Ate, ano po ang pangalan ninyo".Jeska ('di nya tunay na pangalan ) Ilan taon na po kayong nagtitinda ng kandila at sampaguita ang tanong ko " Ah...tatlong taon na akong nagtitinda dito sa simbahan," ang wika niya. May asawa po kayo
Ate Jeska: Oo, meron nag asawa ako labing anim na taong gulang
Ako: Ah bata pa po pala kayo eh ilang taon na po kayo ngayon.
Ate Jeska: 28 years old.May apat akong anak. 'Yung panganay sampung taon; ' yung bunsong taon ay apat na taong gulang; yung tatlo kong anak ay sinisikap kong makapag-aral kahit mahirap lang kami para hindi mapa-tulad sa amin
Ako: Ano po ang trabaho ng asawa nyo?
Ate Jeska: Konstraksyon. Ang araw niya ay 250 hindi pa s'ya pagkain tapos tatlong sakay pa pauntang trabaho.ko naman, tuwing regular na araw ay 150 pag linggo 200 tuwing pasko naman ay nakaka 500. Kaya kulang talaga sa pangaraw-araw namin
Ako: Ate saan po kayo nakuha ng sampaguita?
Ate Jeska: Inaangkat ko alas 7:00 ng ' maga. Tapos ang inaangkatan ko ay hati kung baga ay 50-50 kami.'Yung kandila naman ay binibili ko 25 ang balot.
Ako: Nakakain po ba kayo ng tama?
Ate Jeska: Minsan hindi, lalo na kapag naulan kase hindi kami nakakapagbenta
Ako:Saan po kayo nakatira?
Ate Jeska: Sa Barangay 10 sa may papuntang riles

Habang kinakausap ko si Ate Jeska ramdam ko ang lungkot at hiya kahit na tumatawa siya. Dating may sariling bahay siya at ng kanyang pamilya sa may Iyam. Pero kina ilangan nila itong ipagbenta dahil nagkaroon ng sakit sa atay ang kanyang mister dahil sa pag-iinom ng alak. At sa awa ng Dios ay gumaling ito. Pero pagkatapos ng problemang ito ay nagkaroon muli ng bagong problema ang kanilang pamilya, dahil nawalan ng trabaho ang kaniyang Mister. Simula noon ay nagupahan sila ng maliit na bahay. Kaunting gamit at isang ilaw; anim na daan para sa bahay,isang daan para sa kuryerte. Sa balon naman sila kumukuha ng tubig.

Ako: Ano po ang ihahanda nyo sa pasko
Ate Jeska: Normal na araw lang sa amin ang pasko. Swertihan lang pag may handa sa lamesa at pag may magbibigay
Ako: Ate ano ang hiling mo?
Ate Jeska: Magkaroon ng sariling kontador para mababa ang kunsumo ko sa kuryente dahil ilaw lang naman ang gamit nami.

            Kasama rin niya ang isa niyang anak tuwing walang pasok sa eskwela para magbenta ng kandila at sampaguita para mag karoon ng baon. Mahirap man ang buhay ni Ate Jeska dahil maghapon sa pagtitinda, pag-aasikaso sa mga anak niya.Kita ko sa kanyang mga mata ang tapang na hindi sumusuko dahil alam niya na kailangan siya ng kanyang pamilya

Pagkatapos ko siyang makapanayam ay ibinigay ko sa kanya ang dala dala kong pagkain at nag pasalamat sa kanya at naglakad na ako papalayo.

BIOGRAPHY





Rm




PROFILE PICTURE(2013) 













Lunes, Marso 20, 2017

Sanaysay




Sanaysay
  
               Ang sanaysay ayon kay Alejandro G. Abadillia ay "Nakasulat sa karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay "Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita ang sanay at pagsasalaysay. Ito ay pampanitikang tuluyan na naglalahad ng kuro-kuro damdamin, saloobin, kaisipan, reaksyon at iba pa.
   
                    Ang Talambuhay uring na sanaysay dahil ito ay isang pampanitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng isang buhay ng tao.Isang malaking tulong ang sanaysay sa larangan ng pampanitikan sapagkat  natulungan nito ang isang indibidwal na ilabas ang kanyang saloobin ukol sa isang paksa . 

                        Isang malaking tulong ang sanaysay upang magpahayag ang mga tao ng kanilang kuro-kuro, damdamin at reaksyon ukol sa paksa.

                      May pagkakaiba ang Pormal at Impormal na sanaysay. Ang Pormal na sanaysay ay tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na pag-kaunawa sa paksa inaakay din ng manunulat ang mambabasa sa ilalim ng pag-iisip upang makabuo ng sariling pagpapasya at kumilos pagkatapos. 




                  Binibigyang diin ng manunulat ang mga bagay-bagay, mga karanasan o isyung maaaring magpakilala  ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mambabasa. Madalas na sulatin ang malikhaing sanaysay sapagkat naglalahad ito ng damdamin o mga opinion sa isang paksa .

                Tulad ng tubig ang malikhaing sanaysay na naisasalin at binibigyang huigis hg kaniyang kinalalagyan , maluwag at umaangkop. Maituturing ding malikhing sanaysay ang Blog sapagkat maaari nating ilagay oang mga nangyari sa iyong buhay, kuro-kuro o damdamin sa isang paksa.

Source: http://henzcabrejas.blogspot.com/2013/02/sanaysay.html
Source: https://tl.wikipedia.org/wiki/Talambuhay

Martes, Pebrero 14, 2017

Pagkakaroon ng maagang pamilya

                                  


                                                                   Pagkakaroon ng maagang pamilya











Hindi handa at maagang 
nagkaroon ng anak si Marinel Merano.












Dahil sa tulong ng kanyang mga mahal sa buhay ay naging matatag siya para harapin ang tunay na hamon ng buhay.





















Ngayon ay 3 taong gulang na ang anak niyang si Matt Jhoriel.




Ginawa niyang inspirasyon ang anak niya upang magsikap sa buhay.





Upang masustentohan ang pangangailangan niya at ng kanyang anak  ay kasalukuyan siyang nagtratrabaho sa isang cigarette company.






Abala man sa trabaho ay tinitiyak niyang mag karoon ng oras para sa mahal niyang anak.



     







Kahit anong mangyari ay mananatili siyang matatag. 

Sabado, Pebrero 11, 2017

This is Me

                                                         This is Me

                  Ako si Marlyn July 13,1999 ako ipinanganak.Ngayon ay labing pitong gulang na ako.Ang taas ko ay 160cm at tumitimbang na 48 kilo.Sabi ng ilang kamag-aral ko,payat daw ako pag naka-uniporme.

         Kapag naka-free style naman ay mukha akong mataba.Dahil pansinin sa aking katawan ay ang aking balakang hanggang hita dahil mataba konting lagnat at sipon lang ang aking nararamdaman nitong lumipas na linggo.

        Noong nasa elementary pa lang ako ay napansin ng magulang ko ang paninilaw ng mata at balat.Nang ipa-check up nila ako ay nalaman nga na mayroon akong sakit sa atay.Ayon sa doktor nakuha ko daw ito sa aking mga kinakain tulad ng isaw na madalas kong kainin noon bago umuwi sa bahay.

         Lumipas ang buwan ay gumaling ako sa sakit ko,kaya ngayon ay hinda na ako masyadong kumakain ng mga street food.Nitong nakaraang buwan ay nagsagawa ng CEFIlympics sa aming school.Isa ako sa sasayaw sa mob dance.May steps sa sayaw namin na nakaluhod kaya nagkaroon ng bukol sa tuhod ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin  bumabalik sa dati.

        Dahil sa pagkakasakit ko noon ay hindi ako nakasali sa gusto kong isport:ang badminton.At isa pa ay madaling mapagod ang katawan ko at hindi sanay sa mga takbuhan.Kaya hindi ko masasabi na malakas ang katawan ko.

           Noong grade 6 ako ay nagkaroon sa amin ng programang (D.A.R.E)Drug Abuse Resistance Education. Pagkatapos ng flag ceremony ay pupunta na kami sa klaseng ito.Tinuturuan kami tungkol sa mga ipinagbabawal na gamot,na hindi dapat gawin dahil nakakasira ito ng buhay.

       Marami rin akong kahinaan;isa dyan ay ang pagsasabi ng ilan bagay na hindi maganda sa akin tulad ng nangyari sa akin na masama ang comment ng isang kaibigan tungkol sa aking sinulat.Hindi ko naman siya masisi dahil alam kong sinabi nya ay tama at dapat kong gawan.

Paborito ko ang paglalaro ng badminto.Pero hindi ko ito na gagawa,lalo na pag lunes hangang biyernes.Hindi naman ako pakapaglaro tuwing sabado at linggo dahil kailangan na tumulong sa mga gawaing bahay at gumawa ng mga school projects.

       Minsan ay kailangan pa naming magkita ng mga kaklase;kapag may activity na gagawin sa school.

Romantic,magical,aksyon: gabi-gabi na lang, yan ang mga eksena sa aking imahinasyon.Imposible kaya kong gawing posible sa mga imahinasyon.Pero minsan mahirap mag imagine dahil ibang iba sa tunay na buhay

Noong nakaraang school year ay hindi ko inaasahan na kasama ako sa recognition.At nakakuha ako ng dalawang award ang best in Filipino at Social.

    Ang pinaka masakit na nangyari ay nagkaroon ako ng line of 7 sa T.L.E ,dahil sobrang hirap talaga kailangan namin na mag lagari, magpaikot-ikot ng wire para mapailaw no choice kami noon dahil punuan na ang iba.Kaya sa pang lalaki gawain ang napasukan namin.

    Nagiging masaya ako tuwing kasama ko ang mga kaibigan. Si Aileen isa sa kanila sya ang pinaka matagal na naging kaibigan,nung gr 7 kami inis ako sa kanya pero nung nag tagal ay mabait pala sya.Naglolokohan kami pag walang ginagawa sa room.

Ang inspirasyon ko sa buhay ay ang aking pamilya na laging nand'yan na umagapay sa akin.Ang mga bagay naman na nagpa-negative sa akin ay pang gagawa ng thesis na sobrang nakaka-stress,dagdag pa ang family promblem at financial problem.

           Pag hindi ko na kaya ang problema ay dumadaan aay sa simbahan bago umuwi.Pagdating sa bahay ay kukunin ko sa drawer ang notebook ko at idrodrowing ko ang mga taong involved sa problema ko.

      Grade7 ako ng,sinabihan ako ng guro ng banda na isulat ko ang pangalan ko upang makasali.Sinulat ko ang pangalan ko kahit hindi ako interesado.Dahil sa impluwensya ng mga kaibigan ko ay sinubukan kong sumayaw gamit ang flag.Kaya masasabi ko na pagsayaw ang aking talento.

      Grade 9-10 hindi na ako nakaka-atend ng pagprapraktis dahil natatakot ako sa mga mas nakakatanda sa amin,pinapahirapan at pinapagalitan ng walang dahilan na isinusumpa ko na lang sa isip.Kaya pinatalsik ako ni Sir na syang nagtuturo sa amin.

        Para hindi ako mapahiwalay sa mga kaklase ko ay sumabak akong mag-audition sa Glee Club.Maraming mag-aaral ang nakapalibot sa akin pero kahit na nahihiya ako ay ginawa ko ang best ko.Ilang linggo ay nabalitaan ko na tinanggal ako ni Sir Luis ,ang voice couch.Masakit sa akin pero tinanggap ko dahil alam ko na mali ang ginawa ko dahil gr10 ng ako ay sumali.

             Ang pinakakatakutan ko ay ang ipis at daga dahil nakakadiri.Takot din ako sa pusa dahil tuwing gabi ay laging silang nasa bubong,kaya ako nagigising tuwing gabi.

           Sa bayan ng Candelaria ako lumaki kasama ang aking lila at iba pang kamag-anak.Malapit sa kalsada ang aming tinitirhan.Malapit din kami sa sapa na tuyot o walang tubig,na madalas ay doon kami naglalaro ng habulan,taguan at iba pa.


        Dahil sa mas madalas ko kasama si Inay ay siya ang mas madalas na nagpapayo sa akin tulad nang wagtutulad sa ate ko na magang nag-asawa kaya siya ang mas nakakaimpluwensya sa akin.Ngayon ay mas madalas kong kasama ang aking mga kaibigan kaya napapagaya ako sa mga kakulitan nila.

          Tulad ng pagtri-trip sa iba naming kaklase papaaminin namin siya kung sino ang crush niya sa klase.Nagkikilitian kami sa classroom habang ang iba ay nakikitawa rin.


    Nakatira ako ngayon sa Baranggay Isabang,Lucena City,kasama ang aking pamilya.Mainggay sa aming bahay dahil sa kakulitan ng bunso kong kapatid.Dagdag pa ang katigasan ng ulo ng aking pamangkin na laging nasa amin.

     Ang kinaiinisan ko naman ay si Tito Roland dahil kain cell phone tulog na lang ang lag niyang ginagawa.Lagi pang naka reklamo pag hindi nakita ang charger.Pati pang paload ay hinihingi pa niya kay mama.

     Ang pinaka malungkot kong karanasan na naibahagi ko sa mga kaklase ko ay yung,mismong kaarawan ko ay lumayas ang kapatid kong lalaki dahil sa katigasan ng ulo.Isa pa ay nang lumayas si ate sa amin.Ayon sa lola ko 9:00 ng gabi ay may nakakita kay ate na sumakay ito sa bus.Ilang araw din siyang hinanap nina mama at papa.


      Dahil sa pangyayaring ito nagtampo din ako dahil pakagi na kami hindi naasikaso.Nakatuon sila sa paghahanap kay ate,pero inunawa ko na lang sila dahil mas kailangan ni ate si mama.

    Ilan lang ito sa mga karanasan na malulungkot na naibahagi ko sa mga kaklase.At ang iba ay hindi pa ako handa na pag usapan dahil hindi pa naghihilum ang sakit ng nakaraan.

People have the Rights

                                     
                                     
       
          People have the Rigths


                    Alas nuwebe ng umaga ay nagtipon-tipon ang mga mag-aaral ng CEFI,sa gilid ng metro Gaisano.Upang makinig/makilahok ang "Arts for Human Rights".Ngunit hindi pa handa ang mga gagamitin.Kaya naghintay muna ang mga estudyante.


                    Ilang minuto ay nag desisyon na ang mga organizer na sa activity center sa ikatlong palapag ng Metro ito ganapin.Upang maginjcbng mas maayos at may aircon pa.Tulong-tulong na ang mga mag-aaral sa pagbuhat ng mga silya speaker, at iba pa.


                   Padating sa ikatlong palapag ay tulong-tulong na ang bawat isa sa pagse-set up.9:30 ay hindi pa nagsisimula ang programa kaya ilan sa aking kamag-aral ay nainis at nainip.Maya-maya pa ay nagsalita na ang isa samga kasamahan ni Maria Lavado.Pagkatapos niyang magsalita ay nagtawag siya ng mga estudyante na maaring magbahagi ng kanilang talento.


              Naging masaya ang bawat isa dahil may nagbahagi ng poetry performance at may kumanta .Maya-maya ay nagsalita muli ang kasama ni Maria,kung sino ang gustong mag pa-face paint ay humanay dito da harapan.Habang ng sasaya ang bawat iangay naglatag sila puting tela na pinuntarahan ng pula.


           Pagkatapos ng maiksing kasiyahan ay nagpanood sila ng isang short film na kung saan napanood ko ang mga naging karanasan ng mga tao sa panahon ng pamumuno ni dating Pang.Marcos,tulad na lang ng isang lalaki na binubuhusan ng tubig sa mukha.Pagkatapos ng panonood ay pinagtanghalian muna ang mga estudyante at sinabi nila na bumalik na kamimamayang 1:30pm


              Pagbalik ng ng hapon ay sinabi ng isang organizers na magpapanood sila ng movie at kung sanay kaming mapanood si Eugene Domingo na nagpapatawa.But this time daw ay mapapanood namin siya sa drama ,kasama sibgc IzaCalzado.

   
            Base sa napanood kong palabas si Eugene Domingo ay gumahanap bilang di Marilou ,asawa ni Jose na isang barbero.Si Jose lang ang mangugupit sa kanilang lugar at siya lang ang nagugupit sa buhok ni Mayor.Tinuturuan din ni Jose ang kanyang asawa kung pano gumupit ng buhok.isang gabi ay nagpaalam si Jose na magtutungo siya sa bahay ni Mayor kaya agad itong gumayak pinaliguan ni Marilou si Jose.Pinagplansta ng damit at ginupitan ng buhok.Sa halip na magtungo sa bahay ni Mayor ay nagpunya ito sa bar.Umuwi si Jose ng lasing na lasing.


              Agad namang inalalayan ni Marilou si Jose at pinunasan ng basang bimbo.Kinaumagahan ay may lalaking pumunta sa kanila upang maggpagupit kaya agad niyang ginising si Jose .Pero hindi ito magising at hindi na rin humihinga.


          Ayon sa Doctor ay bangungot ang sanhi ng pagkamatay.Dahil wala na si Jose ay napag-isip,ni Susan kaibigan ni Marilou,na siMarilou na lang ang maggupit ng buhok sa kanilang lugar.


              Nung una ay hindi pumapayag si Marilou pero hindi nagtagal ay pumayag siyang muling buksan ang barberya.Nung una ay walang nagtitiwala sa kanya pero dahil sa tulong ng mga kaibigan ay kumalat da kanilang lugar ang galing niya sa paggugupit.


           Dahil sa galing niya ay ipinatawag siya ni Mayor.Upang siya na ang gumupit sa buhok nito.Isang purong ginto na gunting ang ipinagamitni Mayor kay Marilou.Dahil sa galing at puludo ng paggupit ay malaki ang ibinayad ni Mayor sa kanya.


            Isang gabi ay natuklasan ni Marilou na isa sa mga rebelde ang inaanak niya.Dahil nakiusap ito na kung maari na doon muna ang kanyang kaibigan na magpahinga dahil nabaril ito.Ilang araw ay nalaman ng opisyal na nagtatago sa ni bahay Marilou ang ilang rebelde.


          Kumalat ang balita sa kanilang lugar,kaya nilalayuan siya ng kanyang mga kapitbahay.At binaril din siPadre sa loob ng simbahan.Naging kaibigan din niya ang asawa ni Mayor maganda at mabait ito.Pero malungkot ito dahil sinasaktan ito ni Mayor.


           Isang araw nagpunta silang dalawa sa ilog upang magkwentuhan at para magpahangin at umupo sa batuhan.Nagbahagi sila ng kanilang mga suliranin.Luz ang gusto kong  pangalaangg magiging anak ko.Luz na ibig sabihin ay liwanag,sabi ng asawa ni Mayor.Hinalikan niya sa labi si Marilou at nagpahulog sa tila bangin.


         Ayon kay Mayor ay matagal ng may-sakit sa pag-iisip ang kanyang asawa kaya nya ito nagawa.Muling ipinatawag ni Mayor si Marilou upang magpagupit.Hindi pa man tapos gupitan si Mayor ay sinaksak niya sa leeg si Mayor gamit ang gunting.Agad siyang tumakas dahil sa takot.


       Dahil sa nangyari ay agad siyang pinaghahanap,kaya ginupitan niya ang kanyang buhok upang hindi siya makilala at mabilis na tumakas.Lahat ng babae sa kanilang lugar ay ginupit din ang buhok nila para malito ang  mga tao na naghahanap kay Marilou.


            Nagpakalayo-layo siya at sumali sa mga rebelde at nagpakilala bilang Luz.Ito ang wakas ng aming movie na napanood.Tapos, na kaming manood pero hindi pa tapos ang pinipinturahang tela.Nakasulat sa tela na"Hustisya para sa mga Biktima ng Paglabag sa Karapatang Pantao".


              Nagsalita si Maria Lavado kung hindi tayo kikilos ay parang kasabwat tayo.At nagbahagi rin siya ng Poetry performance.

                 

Miyerkules, Pebrero 8, 2017

Yolanda Survivor






                                                       Yolanda Survivor

      Pagkatapos nang palabas ay isang babae ang nagsalita na dadating si Brillante Mendoza.Ilang minuto ay dumating na siya nagbigay ng mensahe at sinagot ang ilang katanungan na nanggaling sa  piling mag-aaral ng CEFI .Pagkalabas ng sinehan ay dinumog ang direktor dahil marami ang gustong magpakuha ng litrato sa kanya at isa na ako sa nakipagsiksik para makakuha ng selfie sa kanya.

         

        Ang pelikulang Taklub ay tungkol sa mga taga-Tacloban na napinsala ng bagyong Yolada.

       Hindi pa man nakakabangon si Mang Renato dahil sa bagyong Yolanda ay isang sunog  naman ang nang yari sa kanila. Nagtulong-tulong ang mga residente na maapula ang sunog at isa isa ng inilalabas ang mga katawan na walang malay at si Mang Renato lang ang nakaligtas mula sa sunog .Sa ospital naman namatay ang anak niya .
    Napakasakit ang nang yari sa kanya kung ako siguro ang nasakalagayan nya ay magpapasunog ako sa nagngagalit na apoy dahil hindi ko kaya ang mga pang yayari at pagsubok na nangyayari sa akin.


       Nagtungo si Bebeth sa NBI dahil may libreng DNA test upang malaman niya kung sino sa mga bangkay ang anak niya .Nang malaman niya ang resulta ay walang nag- match sa mga bangkay .Halos magwala na siya dahil lagi siyang nagdadala ng bulaklak pero wal doon ang anak niya .Nakakapang lumo ang nangyari sa kanya dahil hindi niya  man lang natagpuan ang katawan ng anak niya .Pero kahit ganon ang nangyari sa kanya ay sa wag siyang makalimot sa Panginoon na nagbigay buhay sa atin.



         Habang naglalakad si Larry ay may napansin siya na tila may nakabaon sa buhanginan, nang hukayin niya ito ay isang cross at ibinigay sa kanyang ama .Nang sumakay siya sa jeep ay nabalitaan niya na isang landslide ang nangyari sa Sitio 66 agad niya itong pinuntahan at nakita niya ang kanyang tita na walang buhay .Sunod sunod ang masasamang pangyayari sa kanila na kahit ako ay masusubok ang pagtitiwala sa Diyos tulad ni Larry.



         Si Mang Renato binagyo, pagkatapos nasunogan.Si Larry, binagyo namatayan ng anak ,asawa,at tiyahin .Nawalan ng anak si Bebeth dahil sa bagyo .Si Erwin nawalan ng tirahan .Lahat sila ay hirap na hirap na ,dahil sa sunod sunod na pang yayari sa buhay nila .At si nubok ang pagtitiwala nila sa Diyos.  




          Ang Taklub ay isa sa mga Indiefilms na dinerek ni Brillante Mendoza .Na ilan sa  nakapanood ay boring dahil tunay na kwento ang nangyari .Wala ring ending dahil patuloy lang ang buhay ngmga tao sa pelikula.