This is Me
Ako si Marlyn July 13,1999 ako ipinanganak.Ngayon ay labing pitong gulang na ako.Ang taas ko ay 160cm at tumitimbang na 48 kilo.Sabi ng ilang kamag-aral ko,payat daw ako pag naka-uniporme.
Kapag naka-free style naman ay mukha akong mataba.Dahil pansinin sa aking katawan ay ang aking balakang hanggang hita dahil mataba konting lagnat at sipon lang ang aking nararamdaman nitong lumipas na linggo.
Noong nasa elementary pa lang ako ay napansin ng magulang ko ang paninilaw ng mata at balat.Nang ipa-check up nila ako ay nalaman nga na mayroon akong sakit sa atay.Ayon sa doktor nakuha ko daw ito sa aking mga kinakain tulad ng isaw na madalas kong kainin noon bago umuwi sa bahay.
Lumipas ang buwan ay gumaling ako sa sakit ko,kaya ngayon ay hinda na ako masyadong kumakain ng mga street food.Nitong nakaraang buwan ay nagsagawa ng CEFIlympics sa aming school.Isa ako sa sasayaw sa mob dance.May steps sa sayaw namin na nakaluhod kaya nagkaroon ng bukol sa tuhod ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik sa dati.
Dahil sa pagkakasakit ko noon ay hindi ako nakasali sa gusto kong isport:ang badminton.At isa pa ay madaling mapagod ang katawan ko at hindi sanay sa mga takbuhan.Kaya hindi ko masasabi na malakas ang katawan ko.
Noong grade 6 ako ay nagkaroon sa amin ng programang (D.A.R.E)Drug Abuse Resistance Education. Pagkatapos ng flag ceremony ay pupunta na kami sa klaseng ito.Tinuturuan kami tungkol sa mga ipinagbabawal na gamot,na hindi dapat gawin dahil nakakasira ito ng buhay.
Marami rin akong kahinaan;isa dyan ay ang pagsasabi ng ilan bagay na hindi maganda sa akin tulad ng nangyari sa akin na masama ang comment ng isang kaibigan tungkol sa aking sinulat.Hindi ko naman siya masisi dahil alam kong sinabi nya ay tama at dapat kong gawan.
Paborito ko ang paglalaro ng badminto.Pero hindi ko ito na gagawa,lalo na pag lunes hangang biyernes.Hindi naman ako pakapaglaro tuwing sabado at linggo dahil kailangan na tumulong sa mga gawaing bahay at gumawa ng mga school projects.
Minsan ay kailangan pa naming magkita ng mga kaklase;kapag may activity na gagawin sa school.
Romantic,magical,aksyon: gabi-gabi na lang, yan ang mga eksena sa aking imahinasyon.Imposible kaya kong gawing posible sa mga imahinasyon.Pero minsan mahirap mag imagine dahil ibang iba sa tunay na buhay
Noong nakaraang school year ay hindi ko inaasahan na kasama ako sa recognition.At nakakuha ako ng dalawang award ang best in Filipino at Social.
Ang pinaka masakit na nangyari ay nagkaroon ako ng line of 7 sa T.L.E ,dahil sobrang hirap talaga kailangan namin na mag lagari, magpaikot-ikot ng wire para mapailaw no choice kami noon dahil punuan na ang iba.Kaya sa pang lalaki gawain ang napasukan namin.
Nagiging masaya ako tuwing kasama ko ang mga kaibigan. Si Aileen isa sa kanila sya ang pinaka matagal na naging kaibigan,nung gr 7 kami inis ako sa kanya pero nung nag tagal ay mabait pala sya.Naglolokohan kami pag walang ginagawa sa room.
Ang inspirasyon ko sa buhay ay ang aking pamilya na laging nand'yan na umagapay sa akin.Ang mga bagay naman na nagpa-negative sa akin ay pang gagawa ng thesis na sobrang nakaka-stress,dagdag pa ang family promblem at financial problem.
Pag hindi ko na kaya ang problema ay dumadaan aay sa simbahan bago umuwi.Pagdating sa bahay ay kukunin ko sa drawer ang notebook ko at idrodrowing ko ang mga taong involved sa problema ko.
Grade7 ako ng,sinabihan ako ng guro ng banda na isulat ko ang pangalan ko upang makasali.Sinulat ko ang pangalan ko kahit hindi ako interesado.Dahil sa impluwensya ng mga kaibigan ko ay sinubukan kong sumayaw gamit ang flag.Kaya masasabi ko na pagsayaw ang aking talento.
Grade 9-10 hindi na ako nakaka-atend ng pagprapraktis dahil natatakot ako sa mga mas nakakatanda sa amin,pinapahirapan at pinapagalitan ng walang dahilan na isinusumpa ko na lang sa isip.Kaya pinatalsik ako ni Sir na syang nagtuturo sa amin.
Para hindi ako mapahiwalay sa mga kaklase ko ay sumabak akong mag-audition sa Glee Club.Maraming mag-aaral ang nakapalibot sa akin pero kahit na nahihiya ako ay ginawa ko ang best ko.Ilang linggo ay nabalitaan ko na tinanggal ako ni Sir Luis ,ang voice couch.Masakit sa akin pero tinanggap ko dahil alam ko na mali ang ginawa ko dahil gr10 ng ako ay sumali.
Ang pinakakatakutan ko ay ang ipis at daga dahil nakakadiri.Takot din ako sa pusa dahil tuwing gabi ay laging silang nasa bubong,kaya ako nagigising tuwing gabi.
Sa bayan ng Candelaria ako lumaki kasama ang aking lila at iba pang kamag-anak.Malapit sa kalsada ang aming tinitirhan.Malapit din kami sa sapa na tuyot o walang tubig,na madalas ay doon kami naglalaro ng habulan,taguan at iba pa.
Dahil sa mas madalas ko kasama si Inay ay siya ang mas madalas na nagpapayo sa akin tulad nang wagtutulad sa ate ko na magang nag-asawa kaya siya ang mas nakakaimpluwensya sa akin.Ngayon ay mas madalas kong kasama ang aking mga kaibigan kaya napapagaya ako sa mga kakulitan nila.
Tulad ng pagtri-trip sa iba naming kaklase papaaminin namin siya kung sino ang crush niya sa klase.Nagkikilitian kami sa classroom habang ang iba ay nakikitawa rin.
Nakatira ako ngayon sa Baranggay Isabang,Lucena City,kasama ang aking pamilya.Mainggay sa aming bahay dahil sa kakulitan ng bunso kong kapatid.Dagdag pa ang katigasan ng ulo ng aking pamangkin na laging nasa amin.
Ang kinaiinisan ko naman ay si Tito Roland dahil kain cell phone tulog na lang ang lag niyang ginagawa.Lagi pang naka reklamo pag hindi nakita ang charger.Pati pang paload ay hinihingi pa niya kay mama.
Ang pinaka malungkot kong karanasan na naibahagi ko sa mga kaklase ko ay yung,mismong kaarawan ko ay lumayas ang kapatid kong lalaki dahil sa katigasan ng ulo.Isa pa ay nang lumayas si ate sa amin.Ayon sa lola ko 9:00 ng gabi ay may nakakita kay ate na sumakay ito sa bus.Ilang araw din siyang hinanap nina mama at papa.
Dahil sa pangyayaring ito nagtampo din ako dahil pakagi na kami hindi naasikaso.Nakatuon sila sa paghahanap kay ate,pero inunawa ko na lang sila dahil mas kailangan ni ate si mama.
Ilan lang ito sa mga karanasan na malulungkot na naibahagi ko sa mga kaklase.At ang iba ay hindi pa ako handa na pag usapan dahil hindi pa naghihilum ang sakit ng nakaraan.