Huwebes, Marso 30, 2017

Sa Simbahan





Sa Simbahan



                             Saktong 12:30 ng tanghali, nag-uuli ako sa bayan; naghahanap ng maiinterview.
     Maraming tao ang dumaraan: may bata at matanda. Marami akong tinanong na kung pwede ko ba sila  interview-hin.Ang sagot nila sakin - ayaw,nahihiya.Baka daw wala silang masagot o di kaya naman ay hindi umiimik at hindi ako pinapansin.

                            Target kong mainterview ang mga batang kalye .Kaya para pumayag sila ay bumili ako ng pagkain sa tapat ng simbahan.Isang tasang kanin, may tapa at isang itlog .Bitbit ko ang pagkain habang naghahanap ng maiinterview. Marami ang lumapit sa akin dahil gusto nilang hingiin ang pagkain ko.Pero nung tinanong ko sila kung pwedweng mainterview ay hindi sila pumayag. Nagpasya akong bumalik sa simbahan para naman tulungan ako no Lord.
     
                             Pagpunta ko sa harapan ng simbahan ay napansin ko na ang daming tao at puro nakaitim na damit. Paglapit ko, napansin ko na namimigay sila ng papel. Kumuha ako ng isang kopya. Ang mga taong naka suot ng itim ay nag tipon tipon doon upang mag-protesta laban sa Marcos.
 
                           Papalapit palang ako sa pinto agad sumalubong ang mga bata na nanlilimos habang tinuturo ang dala kong pagkain. Meron din nagbebenta ng kandila at sampaguita. Ipinagkibit balikat ko silang lahat at pumasok sa loob ng simbahan.

                   Sa loob ng simbahan maraming nangungulbit sa akin. Pero 'di ko ito pinapansin at tuloy-tuloy akong nanalangin na sana may pumayag na magpa interview sa akin. Pagkatapos kong magdasal ay nakaupo lamang ako, pinagmamasdan ang mga tao sa loob ng simbahan at iniisip ko kung ano kaya ang ipinag dadasal nila.

                         Ilang minuto ay matamlay akong naglalakad papalabas ng simbahan. Nagpunta ako sa gilid ng simbahan, umupo sa mahabang upuang bato na nasa ilalim ng isang malaking puno ng mangga,malapit sa parking lot.

                       Isang bata ang nakita ko, batang lalaki na may hawak na mga lobo.Pero katulad ng mga naunang tinanong ko ay hindi siya pumayag.

                          Paalis na sana ako nang isang babae ang lumapit sa akin."  Ate bili ka ng sampaguita at kandila " Hindi po ang tugon ko sa kanya. Napag isip-isip ko na sya ang maari kong mainterview kaya agad ko siyang hinabol nahihiya man ako sinubukan ko parin. "Pwe..pwede po bang ma-interview kayo saglit lang po para lang po sa school ." Sige" ang tugon niya sa akin.Ang malungkot kong mukha ay napalitan ng saya ng marinig ko ang sagot niya. Niyaya ko siya na umupo sa upuan. Tinawag niya ang kaniyang anak at umupo sa tabi ko. Pero bago ako magtanong ay may sisinabi siya sa akin kung sana wag pakalatin ang kanyang pangalan."Oo",ang sabi ko at ang gagamitin ko ay ang kanyang palayaw.

                         Sinimulan ko ang pagtatanong ."Ate, ano po ang pangalan ninyo".Jeska ('di nya tunay na pangalan ) Ilan taon na po kayong nagtitinda ng kandila at sampaguita ang tanong ko " Ah...tatlong taon na akong nagtitinda dito sa simbahan," ang wika niya. May asawa po kayo
Ate Jeska: Oo, meron nag asawa ako labing anim na taong gulang
Ako: Ah bata pa po pala kayo eh ilang taon na po kayo ngayon.
Ate Jeska: 28 years old.May apat akong anak. 'Yung panganay sampung taon; ' yung bunsong taon ay apat na taong gulang; yung tatlo kong anak ay sinisikap kong makapag-aral kahit mahirap lang kami para hindi mapa-tulad sa amin
Ako: Ano po ang trabaho ng asawa nyo?
Ate Jeska: Konstraksyon. Ang araw niya ay 250 hindi pa s'ya pagkain tapos tatlong sakay pa pauntang trabaho.ko naman, tuwing regular na araw ay 150 pag linggo 200 tuwing pasko naman ay nakaka 500. Kaya kulang talaga sa pangaraw-araw namin
Ako: Ate saan po kayo nakuha ng sampaguita?
Ate Jeska: Inaangkat ko alas 7:00 ng ' maga. Tapos ang inaangkatan ko ay hati kung baga ay 50-50 kami.'Yung kandila naman ay binibili ko 25 ang balot.
Ako: Nakakain po ba kayo ng tama?
Ate Jeska: Minsan hindi, lalo na kapag naulan kase hindi kami nakakapagbenta
Ako:Saan po kayo nakatira?
Ate Jeska: Sa Barangay 10 sa may papuntang riles

Habang kinakausap ko si Ate Jeska ramdam ko ang lungkot at hiya kahit na tumatawa siya. Dating may sariling bahay siya at ng kanyang pamilya sa may Iyam. Pero kina ilangan nila itong ipagbenta dahil nagkaroon ng sakit sa atay ang kanyang mister dahil sa pag-iinom ng alak. At sa awa ng Dios ay gumaling ito. Pero pagkatapos ng problemang ito ay nagkaroon muli ng bagong problema ang kanilang pamilya, dahil nawalan ng trabaho ang kaniyang Mister. Simula noon ay nagupahan sila ng maliit na bahay. Kaunting gamit at isang ilaw; anim na daan para sa bahay,isang daan para sa kuryerte. Sa balon naman sila kumukuha ng tubig.

Ako: Ano po ang ihahanda nyo sa pasko
Ate Jeska: Normal na araw lang sa amin ang pasko. Swertihan lang pag may handa sa lamesa at pag may magbibigay
Ako: Ate ano ang hiling mo?
Ate Jeska: Magkaroon ng sariling kontador para mababa ang kunsumo ko sa kuryente dahil ilaw lang naman ang gamit nami.

            Kasama rin niya ang isa niyang anak tuwing walang pasok sa eskwela para magbenta ng kandila at sampaguita para mag karoon ng baon. Mahirap man ang buhay ni Ate Jeska dahil maghapon sa pagtitinda, pag-aasikaso sa mga anak niya.Kita ko sa kanyang mga mata ang tapang na hindi sumusuko dahil alam niya na kailangan siya ng kanyang pamilya

Pagkatapos ko siyang makapanayam ay ibinigay ko sa kanya ang dala dala kong pagkain at nag pasalamat sa kanya at naglakad na ako papalayo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento