Mahal Naming Pangulong Rodrigo R. Duterte,
Magandang Araw po. Kaliwa't kanan na matinding usapan sa " war on drugs" particularly sa extra judicial kilings dito sa ating bansa.
Simula nang maupo kayo bilang Presidente, Sa ipinatupad nyong Oplan Tokhang ay marami ang nahuli at sumuko sa mga pulisya dahil sa dala na rin ng takot. Marami na ring tumitigil sa pagbebenta at pagamit ng ilegal na gamot. Upang hindi sila magkulong o barilin, ngunit kahit sumuko na ay binaral pa rin.
Sabi ng ilan nanlaban daw umano; Ang iba naman ay napapatay dahil sa dalawang tao magkaangkas sa motor. Kahit hindi pa napapatunayan ng isang drug adik ay makikita ka na lang sa kalsada na walng buhay at isang karton na may nakasulat na " Drug Adick Ako Wag Tularan " Oo kakaunti na nga ang nagbebenta at gumagamit ng bawal na gamot, pero mas dumarami ang mga mamamatay tao. At ang pamilya ng mga biktima ay humihingi ng hustisya na sanay kanilang makamit.
Sa tingin ko po ay sadyang inubos ng mga pulis ang mga drug addicts at pusher para hindi magsiksikan sa kulungan at doon na lang sa sementeryo mag siksikan. Sana naman po ay wag patayin ang mga ito dahil unang una ay labag ito sa karapatang pantao; may pagkakataon pa silang magbago. Kaya nga ginawa ang rehabilitation para mabantayan ang kanilang kilos at doon magbago.
Kaya sana naman po ay magawan ito ng agarang aksyon upang mahinto na ang patayan dito sa ating bansa.
Sumusuporta naman po ako sa inyo sa pagsugpo ng droga, kaya sana naman po ay sugpuin ang droga sa pamamagitan nang maayos at walang dahas.
Lubos na Gumagalang,
Marlyn Merano

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento